Manila, Philippines – Ipinatupad na kahapon ang anim na buwang suspension order galing sa opisina ng Ombudsman kay Altavas Mayor Denny Refol Sr.
Ang nasabing order ay ipinatupad ni DILG Provincial Director John Ace Azarcon at Atty. Cedric Jaranilla Legal Officer ng DILG regional office.
Nauna ng nagpalabas ng suspension order si Ombudsman Conchita Carpio Morales kay Refol dahil sa imoralidad.
Guilty rin sa disgraceful and immoral conduct sa isinagawang fact-finding investigation ng public assistance and corruption prevention office ng ombudsman visayas dahil nagkaroon ito ng relasyon at anak sa ibang babae habang ito ay kasal pa sa kanyang asawa.
Humalili kay Refol bilang OIC Mayor si Vice Mayor Jolly A. Solita.
Naging matiwasay naman ang nasabing pagpatupad nga suspension order na sinaksihan ng kanilang mlgoo na si Gengia Cleope, miyembro ng sangguniang bayan ng Altavas at mga staff ng mayor’s office.
Facebook Comments