Ipinasa na ng provincial board ang tatlong resolusyon kaugnay sa non-implementation ng suspension order na inilatag ng Office of the Ombudsman sa presidente ng Pangasinan State University (PSU) na si Dr. Dexter Buted.
Sinamantala ni Sangguniang Panlalawigan Member, Jeremy Agerico Rosario, ang pagkakataon sa nagdaang regular na sesyon upang talakayin ang suspension order. Inilabas nito na pinaghihinalaang nag-iikot umano ang president ng PSU sa mga alkalde ng pangasinan upang mangolekta ng kanilang mga endorsement at recommendations na pabor sa kanya upang mabigyan umano ito ng ikalawang termino sa office of the state university bilang pinanamataas na opisyal.
Kalaunan, ay sinabi ni Rosario na itong tatlong Provincial Resolutions ay sigurado ng inaprubahan ng august body.
Provincial Resolution No. 212-2018, “Strongly urging the Commission on Higher Education (CHED) and/or the Board of Regents of the Pangasinan State University to immediately implement the decision of the Office of the Ombudsman in OMB-L-A-16-0318.”
Provincial Resolution No. 213-2018, “Strongly opposing any extension of term of office of Pangasinan State University President Dexter R. Buted.”
Provincial Resolution No. 214-2018, “Respectfully requesting the Office of the Ombudsman to inquire from the Commission on Higher Education and/or the Board of Regents of the Pangasinan State University of the suspension order meted out to President Dexter R. Buted.”
Nagpadala naman ng sulat si Gov. Amado I. Espino III sa apat na pu’t apat na town Mayors at tatlong City mayor sa probinsiya ng Pangasinan maging sa mga kinauukulan , ito ay upang ipaalam sa kanila ang mga pangyayari at ang pagkaalarma ng gobernador sa mga ginawa ng presidente ng PSU.
Nakalagay sa ipinadalang sulat ng gobernador ang apat nadahilan na siyang kailangang ikonsidera ng Local Government Units (LGU). Una ay ang 4 na reklamo laban kay Dr. Buted na hanggang ngayon ay kasalukuyang iniimbestigahan pa ng Ombudsman, dagdag pa rito ang kasalukuyan ring iniimbestigaha ng kongreso ang umano’y ginawa nitong pagpatay. Ikalawa ay an gang desisyong pinirmahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong nakaraang taon, kung saan sinuspinde nito si Dr. Buted ng siyam na buwan dahil umano sa pagmamalupit nito sa isang empleyado ng nasabing unibersidad na kung saan ay dinismiss umano nito ng walang pasabi si Mr. Ricardo Tapia na isang guro at delayed pa umano ang sahod nito.
Isinama rin ng gobernador ang dalawa pang rason, kung saan idineklara rin si Dr. Buted bilang persona non grata sa probinsiya ng Pangasinan sa bisa ng Provincial Resolution N. 505-2016 noon pang oktubre sa nabanggit na taon. Dahil umano ito sa hinihinalang iregularidad ng kanilang OJT program at hindi pantay na pagtrato sa mga guro at empleyado. Maging ang pagpayag nito na gamitin ang institusyon sa partisan political activities at ang patuloy na hindi pagkilala sa legal at opisyal na imbitasyon ng kinatawan ng legislative ng Pangasinan. Ikaapat ay ang House Resolution No. 1660 na pinamagatang “Resolution urging the appropriate House Committee to conduct an inquiry in aid of legislation on the non-implementation by the Board of Regents of the Pangasinan State University and/or by the Commission on Higher Education of the decision of the Ombudsman in OMB L-A-16-0318” na isinulat ng dating Gobernador at ngayon ay congressman ng ikalimang distrito Amado T. Espino, Jr, at ni 2nd district representative Leopoldo N. Bataoil kasama si Congressman Romeo Acop.
“Due to these compelling reasons, this office is constrained to issue this advisory against issuing any recommendation citing Dr. Buted for a second term at PSU,” ito rin ay ayon sa sinabi ni Governor Espino III sa kaniyang sulat na sinasabing magpapakita lamang ng pagbalewala sa justice system ng bansa ang presensiya ni Buted bilang president ng unibersidad. Pati na rin ang epekto nito sa imahe probinsiya na siyang ayaw mangyari ng mga Pangasinense.
Based on Pangasinan Information Office PR