Suspensiyon ng face-to-face classes sa Maynila, extended hanggang bukas, April 27

Pinalawig ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang suspensiyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa lungsod hanggang bukas, April 27.

Ito ay dahil inaasahang papalo pa rin sa 44 degrees celsius ang heat index sa lungsod bukas ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Dahil dito, pinayuhan ang mga paaralan na lumipat ng alternative learning modality.


Pagdating naman sa mga pribadong paaralan, nasa bawat school administrators na ang desisyon kung magpapatupad din sila ng suspensyon sa face-to-face classes.

Facebook Comments