Suspensiyon sa pagbabakuna ng AstraZeneca sa Pilipinas, tatagal ng dalawang linggo ayon sa DOH

Posibleng tumagal ng dalawang linggo ang suspensiyon ng pagbabakuna ng AstraZeneca sa mga may 59 pababa ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Vergeire, kailangan pang pag-aralan ng lokal na eksperto ang isyu sa bakuna.

Habang hihintayin din aniya ang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO) upang magamit ang bakuna.


Giit pa ni Vergeire, tanging “precautionary measure” lamang ang tigil-bakuha sa AstraZeneca dahil walang pang naitatalang kaso ng blood clot sa bansa.

Maaari namang magpatuloy ang pagbabakuna ng AstraZeneca kung positibo ang rekomendasyon ng WHO.

Para naman sa mga nakatanggap ng unang dose ng AstraZeneca, sinabi ni Vergeire na magbabakuna ng ikalawang dose nito sa katapusan ng Mayo o Hunyo.

Facebook Comments