Wednesday, November 11, 2026

Suspensyon kay Romualdez, hindi nangangahulugan na guilty ito sa kinakaharap na kasong katiwalian

Binigyang diin ng kampo ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang 90–araw na suspensyon na ipinataw ng Sandiganbayan ay hindi nangangahulugan na ito ay guilty sa kasong plunder na may kaugnayan sa flood control scandal.

Giit ng abogado ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo, hindi hatol ng pagkakasala ang suspension dahil mismong korte ang nagsabing kailangan pang patunayan ang mga paratang kung saan hindi sapat ang akusasyon dahil ang kailangan ay mga ebidensya.

Paliwanag ni Fajardo, ang pagpapatupad ng suspensyon ay mandatory o iniuutos ng batas matapos makumpleto ang mga impormasyon kaugnay sa kinakaharap na kaso ni Romualdez.

Dagdag pa ni Fajardo, pawang alegasyon pa rin ang kinaharap ni Romualdez dahil nagpapatuloy pa ang paglilitis at hindi pa napapatunayan na ito ay tumanggap ng kahit piso mula sa iligal na komisyon o kickback mula sa mga maanumalyang flood control projects.

Facebook Comments