Magtataggal hanggang bukas ang pinalawig na administrative relief kina National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Sidney Hernia at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Dir. PMGen. Ronnie Francis Cariaga.
Ito ay makaraang mapaso noong Nov. 17,2024 ang unang administrative relief na ipinataw ng office of the chief PNP laban sa dalawang opisyal.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PNP PIO) Chief PBGen. Jean Fajardo hindi pa kasi tapos ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad laban sa dalawang opisyal kaugnay sa ikinasang raid sa isa umanong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Century Peak tower sa Maynila kamakailan.
Ani Fajardo, may mga initial findings na ang mga imbestigador kung saan tinitignan din ang mga possible liabilities ng mga opisyal.
Bukas inaasahang matatapos ang limang araw na pagpapalawig sa administrative relief kina Gen. Hernia at Cariaga.