Inaprubahan na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang tatlong taong suspensyon ng gaganaping regular election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Batay sa Senate Bill No. 2214, nilalayon ng panukala na gawing sa 2025 na ang eleksyon imbes na 2022 para sa pag-amend ng Bangsamoro Organic Law.
Ni-reject ni Senator Ping Lacson ang panukala habang nag-abstain sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senator Imee Marcos.
Malaking bagay naman para kay Senator Francis Tolentino ang panukala dahil paliwanag nito, ang BTA ay isang Moro Islamic Liberation Front-led interim government.
Facebook Comments