Suspensyon ng Barangay at SK election, nakatakdang irekomenda ng Senate Committee on Electoral Reforms

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Senate committee on Electoral Reforms and People’s Participation ang rekomendasyon ng suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na nakatakda ngayong October.

Ito ang inihayag ni Committee Vice Chairman Richard Gordon, matapos ang unang pagdinig sa panukala na muling ipagpaliban ang barangay elections.

Sa magiging rekomendasyon ni Gordon ay holdover o mananatili muna sa pwesto ang kasalukuyang barangay officials hanggat walang eleksyong nagaganap.


Ayon kay Senator Gordon, inaantabayanan din niya ang bersyon na ipapasa ng Mababang Kapulungan kaugnay sa postponement ng barangay elections.

Una ng inirekomenda ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na ipagpaliban hanggang May 2018 ang barangay elections.

Facebook Comments