Suspensyon ng Ciso’s Bar, walang katiyakan ayon sa QC Legal Department

Kiumpirma ni Quezon City Legal Officer Atty. Niño Casimiro na indefinite o walang katiyakan kung kailan matatapos ang suspension ng Ciso’s Gastro Bar makaraang ipasara ito dahil sa lumabag sa ipinaiiral na health protocols.

Ayon kay Atty. Casimiro. kanila na munang ipinasara ang Ciso’s Gastro Bar sa Del Monte Avenue, Quezon City dahil pa rin ito ng nag-viral na video kung saan makikita ang ilan umanong social media influencers na nagpa-party.

Paliwanag ni Atty. Casimiro na titignan pa aniya nila kung maaari pang makapag- operate ang bar o kung tuluyan na itong ipasasara.


Sa inisyal aniya nilang pagsusuri, sapat ang mga ebidensya at malinaw na nalabag ang health and safety protocols.

Ipinaalala ni Casimiro na ang Delta variant ng COVID-19 ay tumindi nang dahil sa mga inuman.

Matatandaan sa ilang post na nagkalat sa social media, makikita na animo’y walang pandemya dahil dikit-dikit na nagsasayawan ang mga tao, nagkakantahan, nagkukwentuhan at nag-iinuman sa nabanggit na bar.

Wala pang tugon ang may-ari ng Ciso’s Gastro Bar sa naging aksyon ng QC Government.

Facebook Comments