Nanawagan si Vice President Leni Robredo na alisin na ang suspensyon ng pump boat operations sa pagitan ng Iloilo at Guimaras.
Ito’y matapos mangyari ang pagtaob ng bangka kung saan 31 katao ang nasawi.
Ayon kay Robredo, ang muling pagbubukas ng biyahe ang hinihingi ng mga residente.
Ang mga bumibiyahe lamang ay roro pero prayoridad ang mga cargo at sasakyan at mahal naman sumakay sa fast-craft.
Itinuturing ding ‘anti-poor’ ang desisyon.
Magbibigay si Robredo ng report sa Department of Transportation (DOTR) para ipaabot ang hiling ng mga residente.
Ang hakbang ng gobyerno kasunod ng trahedya ay hindi dapat nasasaalang-alang ang kabuhayan ng mga residente.
Umapela rin ang Bise Presidente na pakinggan ang mga hinaing ng mga tao.
Facebook Comments