Suspensyon ng International at Domestic Flights ng PAL, pinalawig hanggang sa katapusan ng Abril

67

Inanunsyo ng Philippine Airlines (PAL) na pinalawig na rin nila ang suspensyon ng kanilang International at Domestic Flights hanggang sa April 30, matapos maaprubahan ang extension ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, plano ng airline company na unti-unting ibalik ang operasyon kapag natapos na ang ECQ.


Kaugnay nito, ay agad ipapaalam ng local carrier sa publiko ang operating flights at magiging ruta.

Tiniyak din ng PAL na kahit kanselado ang scheduled flight ng isang pasahero ay mananatiling valid ang kanyang ticket.

Pinaigting naman ang polisiya para sa flexibility, kung saan maaaring i-convert ang ticket sa travel voucher o di kaya ay mag-rebook at refund.

Facebook Comments