Suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Nov.16-17 dahil sa ASEAN Summit, aprubado na

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Metro Manila Council ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Nov.16-17 dahil sa paparating na 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.

Ito ang isa sa mga napagdesisyunan sa isinasagawang Metro Manila Mayors Council sa punong tanggapan ng MMDA.

Ang nasabing suhestyon ay iminungkahi ni QC Mayor Herbert Bautista na sinang ayunan naman ng mayorya ng konseho.


Kahit na Nov 12-14 ang opisyal na ASEAN Summit kung saan magaganap ang kaliwat kanang pulong ng mga heads of state, nais parin ng MMC na walang pasok ang mga estudyante ng Nov 16 at 17 dahil sa spill over dahil hindi namam agad agad aalis ng bansa ang ating mga bisita.

Facebook Comments