Suspensyon ng klase sa mga lugar na matinding tinamaan ng Super Typhoon Karding hanggang ngayong araw lamang

Wala nang extension ang araw na walang pasok sa klase at trabaho dahil sa Super Typhoon Karding.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Asec. Raffy Alejando na hanggang ngayon lamang ang rekomendasyon nila sa Malacañang na walang pasok sa National Capital Regiob, Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5 at Cordillera Administrative Region o CAR.

Ayon kay Alejandro, sa kabila ng gumaganda na ang lagay ng panahon at sumisikat na ang araw sa maraming lugar na dinaanan ng bagyo, hindi naman aniya masasayang ang araw na ito na suspendido ang klase at trabaho sa mga taggapan ng gobyerno.


Aniya, magbibigay ito ng pagkakataon sa mga residente at local na pamahalaan na maglinis, mag-ayos ng mga nasira nilang bahay.

Aniya, napuyat at pagod ang mga naapektuhang residente dahil gabi dumaan ang bagyo at halos hindi nakatulog ang mga ito.

Sinabi pa ni Alejandro, isang paraan din ito para makapagpahinga muna ang mga residenteng apektado ng Super Typhoon Karding, bago muling bumalik sa trabaho at pumasok sa eskwelahan ang mga bata.

Facebook Comments