Suspensyon ng Ombudsman kay Mayor Marcy Teodoro, hindi makakaapekto sa halalan —Comelec

Hindi apektado ang Commission on Elections (Comelec) ng pagsuspinde ng Office of the Ombudsman kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hangga’t wala pang pinal na hatol ay mananatiling kandidato si Teodoro.

Ibig sabihin, maaari pa ring maiproklama ang alkalde sakaling manalo ito sa darating na halalan sa Mayo.


Hangga’t hindi kasi aniya inuutos ng Korte Suprema ay mananatili sa balota ang pangalan ni Teodoro.

Sinuspinde ang alkalde at ilang opisyal ng local government unit (LGU) sa loob ng anim na buwan dahil sa umano’y maling paggamit ng pondo na nasa mahigit na ₱130 million.

Facebook Comments