SUSPENSYON NG PAGLALAYAG NG SAKSAKYANG PANDAGAT SA ISABELA, INALIS NA

Cauayan City – Tuluyan ng inalis ang pansamantalang suspensyon sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa baybayin ng lalawigan ng Isabela kahapon, ika-12 ng Nobyembre.

Sa inilabas na anunsyo ng Coast Guard Station Isabela, epektibo na ang pag-aalis ng suspensyon simula alas singko ng umaga kahapon.

Matatandaang dahil sa banta ng bagyong Nika ay nagpatupad ng temporary suspension sa paglalayag ng anumang uri ng sasakyang pandagat ang CGS Isabela upang maiwasan na makapagtala ng maritime incidents sa panahon ng sakuna.


Bagama’t maayos na ang panahon at balik na sa normal ang operasyon sa mga karagatan, pinag-iingat pa rin ang lahat at hinihikayat na patuloy na imonitor ang lagay ng panahon maging ang lagay ng mga katubigan.

Facebook Comments