Suspensyon ng pasok sa mga paaralan at trabaho sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine, posibleng palawigin pa hanggang bukas –PBBM

Hindi inaalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad na palawigin pa ang suspensyon ng pasok sa mga paaralan at trabaho bukas, October 24.

Ito’y dahil sa inaasahang paglakas pa ng Bagyong Kristine sa mga susunod na oras habang papalapit sa North Luzon.

Ayon sa pangulo, bagama’t nakakahinayang na maraming araw na ang nasasayang sa mga trabaho at paaralan ay hindi naman pwedeng ilagay sa peligro ang buhay ng mga tao.


Dapat na rin aniyang maghanda ang Hilagang Luzon na inaasahang sunod na daraanan ng bagyo.

Pero paglilinaw ng pangulo na ang suspensyon ng pasok ay nakadepende pa rin sa lagay ng panahon na ilalabas ng PAGASA.

Facebook Comments