Isabela- Pormal ng nagpalabas ng Executive Order ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela kaugnay sa deklarasyon ng pagsuspindi ng pasok sa lahat ng antas at iba pang mga pampubliko at pampribadong mga tanggapan sa lalawigan ng Isabela.
Ito ay bilang bahagi ng ginagawang paghahanda sa inaasahang pananalasa ng bagyong Rosita sa lambak ng Cagayan.
Kaugnay nito, walang pasok ang lahat ng antas ng mag-aaral sa darating na October 29, 30, at 31 habang ang mga manggagawa public and private naman ay sa darating na October 30 at 31 sa lalawigan ng Isabela.
Ang naturang pagsuspindi ng pasok sa iba’t ibang mga paaralan at tanggapan ay layon namang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente ng Isabela upang makaiwas sa mga casualties kung sakaling maglanfall na ang bagyo.
Sa ngayon ay nakaalerto naman ang mga Response Team ng Isabela habang patuloy namang pinaghahanda ang lahat upang maiwasan mga insidente na dulot ng posibleng pananalasa ng bagyong Rosita.
Samantala, patuloy namang pinaaalalahanan ang lahat sa ibayong pag-iingat at isiguro ang lahat ng mga mahahalagang kagamitan na kakaylanganin sa pagtama ng bagyo.