Thursday, March 19, 2026

Suspensyon ng taas-pasahe, pansamantala lang ayon sa isang senador

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na pansamantala lang ang ipatutupad na suspensyon ng fare-hike o taas-singil sa pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.

Ito ang reaksyon ng senador sa gitna na rin ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang fare-hike.

Paliwanag ni Gatchalian, kailangan lang munang unahin ang ibang mekanismo na hindi magdudulot ng inflationary effect o pagtaas sa presyo ng ilan pang bilihin o serbisyo.

Sinabi ng senador, kapag nagtaas ng pasahe ay tiyak ring itataas ng mga manufacturers ang presyo ng kanilang mga produkto at posible ring manghingi ng dagdag sweldo ang mga empleyado.

Facebook Comments