
Hindi inirerekomenda ni Senate President Chiz Escudero na gantihan ng suspensyon ng tax privileges ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) matapos na magbanta silang sususpindehin ang remittances sa Pilipinas.
Matatandaang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na maaaring kanselahin ng Kongreso ang tax privileges na hindi pagbabayad ng income tax ng mga OFW kung itutuloy ang bantang zero-remittance.
Ayon kay Escudero, hindi ito maaaring gawin ng Senado nang magisa at kailangang desisyon ito ng buong Kongreso.
Hindi rin nila maaaring gawin ang hakbang na ito habang naka-recess ang Kongreso at ikatlo ay hindi niya ipinapayong ito ay gawin.
Iginiit ni Escudero na hindi ito isyu ng gantihan at kung gusto nating pahupaino pababain ang emosyon at tensyon, hindi tamang reaksyon ang pagganti at pumatol.
Ipinaalala pa ng senate leader na ang pangunahin namang maaapektuhan ng zero remittance ay ang mga pamilya ng mga OFW at ang ekonomiya sa kabuuan.