Aalisin na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary suspension sa pagpapadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, base ito sa kanilang assessment na ligtas na muling magpadala ng mga Pinoy sa Israel partikular ng mga caregivers at tourism workers.
Sabi pa ng kahilim, inatasan na niya si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief Bernard Olalia na maghanda na para masimulan na ang pagpoproseso sa mga dokumento ng OFWs.
Matatandaang Mayo nang pansamantalang suspendihin ng gobyerno ang pagpapadala ng mga OFWs sa Israel dahil sa tension sa Gaza strip.
Facebook Comments