Suspensyon sa implementasyon ng IRR ng Maharlika Investment Fund Act, pagkatiwalaan — Sen. Zubiri

Hinimok ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga mambabatas na pagkatiwalaan ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na suspendihin ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund Act of 2023.

Ayon kay Zubiri, pagkatiwalaan ang ‘wisdom’ ng presidente dahil naniniwala siyang mayroong mabuti at valid na rason ang pangulo at ang economic team para aralin muna nang husto ang batas.

Para kay Zubiri, prerogative ng pangulo ang pagsuspindi sa implementasyon ng Maharlika Fund kung saan nasa presidente ang kontrol kung itutuloy o maghihinay-hinay sa pagpapatupad nito.


Naikumpara pa ng senador sa isang sasakyan ang polisiya ng pangulo, na may ‘pause button’ na maaaring i-brake o pahintuin o igarahe pansamantala.

Sa tingin pa ng mambabatas, nagdadahan-dahan lamang sa pagkilos ang pangulo lalo pa’t napakalaking halaga ang nakasalalay dito kaya mas mainam na rin na magpatuloy na may ibayong pag-iingat kaysa naman pabigla-bigla.

Facebook Comments