Suspensyon sa pagbabayad ng electric bills para sa mga mahihirap na pamilya, palalawigin pa ng hanggang anim na buwan ayon sa ERC

Palalawigin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang suspensyon sa pagbabayad ng due dates hanggang anim na buwan sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera, ang mga residential customers na mababa ang kita at hirap sa paghahanap-buhay ay bibigyan ng extension sa pagbabayad ng kanilang bills.

Pero paglilinaw ni Devanadera, na epektibo pa rin ang four-month moratorium o apat na buwang extension sa lahat, maliban sa mga residential customers na kumokonsumo ng 200 kilowatt (kWh) hour kada buwan sa nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) areas na bibigyan ng hanggang anim na buwang extension.


Nais nilang tulungan at bigyan ng six-month extension ang mga residenteng walang air-conditioned units at mayroon lamang tanging basic electrical equipment, at ikinokonsiderang lifeliners.

Facebook Comments