Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang umiiral na suspensyon sa pagbibigay ng Alien Employment Permits (AEPs) sa mga dayuhan sa Boracay.
Batay sa Labor Advisory no. 01-2019 ng DOLE ang pagbawi ay kasunod na rin ng re-opening ng Boracay matapos isailalim sa rehabilitasyon sa loob anim na buwan.
Epektibo kaagad ang lifting ng suspension.
Ang AEP ay isa sa mga requirement para makakuha ng work visa ang mga dayuhan na gustong magtrabaho o mag-negosyo sa bansa.
Kailangang matiyak na ang trabahong gagampanan ng dayuhan ay hindi magagawang gampanan ng lokal na manggagawa bago ito isyuhan ng AEP.
Noong June 2018 ay iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III na suspendihin ang pagpapalabas ng AEP para sa mga dayuhang manggagawa sa Boracay.