Suspensyon sa pagpapadala ng OFWs sa Israel, binawi na ng Pilipinas

Tuluyan nang binawi ng Labor Department ang pansamantalang suspensyon sa deployment ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.

Sa memorandum order ni Labor Sec. Silvestre Bello lll na naka-address kay Labor Attache’ Rodolfo Gabasan ng POLO-Israel, nakasaad dito na ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa ngayon kasi, humupa na ang tensyon sa pagitan ng Israel at ng Palestinian Militant Groups kaya nakikita ng pamahalaan ng Pilipinas na ligtas na magpadala ng Pinoy workers doon.


Una nang nagdeklara ang Hamas ng ceasefire sa Israel noong May 21, 2021.

Facebook Comments