Suspensyon sa pagpapataw ng dagdag taripa sa mga sasakyan at autoparts galing US, hindi muna babawiin ng China

Patuloy na ipatutupad ng China ang suspensyon nito sa pagpapatawa ng taripa sa mga sasakyan at piyesa nito na galing Estados Unidos.

Ito ay bilang isang “goodwill gesture” kasunod ng desisyon ng US na ipagpaliban ang tariff hike sa Chinese imports.

Ayon sa Chinese State Council – layuning ng kanilang hakbang na bumuti ang trade negotiations nito sa pagitan nila at ng Amerika.


Umaasa sila na makikipagtulungan ang Amerika sa China upang mapabilis ang mga negosasyon at makabuo ng matibay na hakbang na magpapababa sa tensyon sa kalakalan.

Una nang sinabi ni US President Donald Trump na ang trade talks nila sa China ay progresibo, pero dapat makabuo ng “great deal” sa pagitan ng top US at Chinese trade officials sa loob ng dalawang araw na pag-uusap sa Beijing.

Facebook Comments