Iginiit ng Malacañang na sinuspinde ng pamahalaan ang pagpapauwi sa Locally Stranded Individuals (LSIs) ay para matugunan ang concerns ng mga lokal na pamahalaan sa pagkalat ng COVID-19 sa mga probinsya.
Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pahayag ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na ang patuloy na pagdagsa ng mga LSI ang dahilan ng pagkalat ng sakit lalo na sa mga COVID-free areas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakailangan na nilang sumalang sa PCR test para matiyak na uuwi ang mga ito sa kanilang probinsya na negatibo sa virus.
Sinabi rin ni Roque na mayroong isang milyong PCR testing kits na maaaring gamitin para mapalawak ang targeted testing.
Hinimok naman niya ang Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng RT-PCR test sa kanilang mga lugar at ilagay ang returnees sa quarantine.