Manila, Philippines – Kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang pinsan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Danao City, Cebu Mayor Ramonito Duterte Durano III.
Si Durano ay kinasuhan ng paglabag sa Executive Order 292 na may kinalaman sa section 121 ng revised rules on administrative cases in the civil service.
Ito ay dahil sa hindi pagsunod ni Durano sa isang resolusyon ng Civil Service Commission Regional Office na pabalikin sa kanilang puwesto ang ilang empleyado ng lungsod noong February 2015.
Ginamit ni Durano ang kanyang posisyon bilang alkalde para hindi sundin ang utos.
Ipinag-utos din ng ombudsman ang pagbabayad ng back wages ang mga empleyado, leave credits at iba pang benepisyo.
Samantala, tatlong testigo naman mula sa City Administrator Office at isang Record Officer ng CSC ang ihaharap na testigo ng prosekusyon sa kaso.