Sustainability, disaster resilience exhibit, inilunsad ng SM Prime at DOST

Naglunsad ng mall exhibit ang SM Prime Holdings, Inc. (SM Prime) at Department of Science and Technology (DOST) tungkol sa mga inisyatibo nito sa sustainability, disaster resilience, at climate change.

Nagsimula ang naturang programa ngayong araw sa SM Mall of Asia.

Ayon sa 2020 Annual Climate Report ng United States’ National Oceanic and Atmospheric Administration, ang temperatura ng lupa at karagatan ay tumaas sa 0.8°C sa bawat dekada at tumaas pa ito ng 0.18°C simula 1981.


Dahil dito ay nakatuon ang SM Prime sa mga adbokasiyang nagsusulong ng pagpapagaan sa epekto climate change at iba pang mga problemang pangkapaligiran.

Kaugnay nito, naglaan ang kompanya ng 10% na capital expenses para sa rain catchment facilities, renewable energy sources at iba pang pasilidad na susuporta sa kanilang adbokasiya.

Kasama rin ng SM Prime at DOST sa pagsulong ng naturang adbokasiya ang SM Supermalls, SMDC Residences, Commercial Property Group, Leisure Resorts (Tagaytay Highlands, Pico de Loro) at Hotels and Convention Centers business unit.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa SM Prime’s Sustainability and Resilience maaaring bisitahin ang website na www.smprime.com/sustainability-overview.

Facebook Comments