SUSTAINABLE FARMING PARA SA MGA MAGSASAKA, ISINUSULONG SA AGRI-AQUA LIVESTOCK FARM SA LINGAYEN

Isinusulong ng Lingayen Municipal Agriculture Office ang sustainable farming na pinaniniwalaang magbibigay suporta sa mga magsasaka sa bayan.

Ayon sa tanggapan, ilan sa mga tampok na agri-methods sa 11, 023 hectares na farm ay ang vermicomposting na nagmumula sa patapong gulay sa pamilihang bayan, hatchery, municipal nursery at maging manok at kambing na pinaparami sa farm.

Bukas din sa mga farmers at fishers association ang naturang farm upang mapalago pa ang resources na maaaring mapakinabangan ng mga ito sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement sa lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, patuloy pang inaayos ang ilang sulok ng farm para sa ilan pang agri-methods at hayop na maaaring paramihin bilang bahagi ng sustainable farming tungo sa food security. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments