Sustainable Livelihood Program, mas pinapalakas pa sa lungsod ng Muntinlupa

Nagsasagawa na ng mga karagdagang hakbang upang palakasin ang grassroots economy, gayundin upang matiyak ang kapakanan ng mga mahihirap na senior citizens sa lungsod ng Muntinlupa.

Matatandaan na kamakailan lang ay inapbrubahan ng sangguniang panlungsod ang dalawang magkahiwalay na resolusyon na nagpapahintulot pumasok sa isang kasunduan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-National Capital Region para sa pagpapatupad ng Sustainable Livelihood Program (SLP) at ang pagbibigay ng buwanang pensiyon para sa mga mahihirap na nakatatanda.

Samantala, nagpapasalamat naman si Mayor Ruffy Biazon sa mga hakbang ng pambansang pamahalaan na naglalayong mapabuti ang buhay, lalo na ng mga kapus-palad na Muntinlupeño.


Facebook Comments