Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na isama ang mga probisyon sa sustainable packaging sa mga implementing rules and regulations ng proposed Internet Transactions Act.
Napag-alaman kasi na ang ilang online sellers ay gumagamit ng masyadong maraming bubble wrap sa pagpapadala ng kanilang mga produkto.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Mary Jean Pacheco, kailangan na kasi bawasan ang labis na plastic waste mula sa mga produkto na inorder online.
Aniya, para maiayos ang maintenance nito, ang mga manufacturers at mga mamimili ay kailangang gawin ang kanilang parte.
Una nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Internet Transactions bill, na isa sa mga priority legislative measures ng administrasyong Marcos.