Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na tutukan ng Philippine at Kuwaiti Government ang pagdinig sa kaso ng suspek sa pagpatay sa OFW na si Joana Demafelis.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang gagawin ng dalawang bansa sa pagllitis sa lalakeng suspek sa pagpatay na gagawin sa Lebanon.
Susubaybayan aniya ng Kuwaiti at Philippine Authorities ang kasong ito hanggang matapos.
Batay aniya sa mga nakusap nilang opisyal ng Kuwait ay nabigla din ang mga ito sa nangyari kay Demafelis dahil ang isinusulong aniya ng Kuwaiti Government ay masayang pamumuhay sa lahat ng mga tao Kuwaiti man o mga Dayuhan.
Gusto aniyang iparating ng mga taga Kuwait na hindi totoo ang mga unang lumabas na balita na binabalewala nila ang malagim na krimen.