Habang wala pang malinaw na napagkasunduan ngayon kung dadalhin sa Department of Justice o Bureau of Corrections ang mga susukong preso na una nang napalaya dahil sa umanoy maanomalyang pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Mananatili muna sila sa mga Police Station para maisailalim sa medical examination at booking procedure o pagkuha ng mug shots at finger print.
Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde ituturing pa ring convicted ang mga susuko dahil void ang pag avail nila ng GCTA.
Batay aniya sa Section 1 RA 10592 ng hindi kasama ang mga may heinous crime na maka avail ng GCTA.
Nilinaw naman ni Albayalde na sa ganitong sitwasyon ang magiging partisipasyon na lamang ng mga abogado ng mga convicted ay mag paabot ng impormasyon na susuko ang kanilang kliyente.