SUSUNDAN ANG YAPAK | Manny Pacquiao, inspirasyon ni IBF Junior Bantamweight Champion Jerwin Ancajas

Manila, Philippines – Idolo at inspirasyon sa katatapos lang na laban ni IBF Junior Bantamweight Champion Jerwin Ancajas si People’s Champ Manny Pacquiao.

Ito ang sinabi ni Ancajas kasunod ng knockout win niya kahapon sa Mexican boxer na si Israel Gonzales.

Aniya, gusto niyang sundan ang yapak ni Pacquiao at makilala rin sa buong mundo bilang isa sa pinakamahuhusay na boksingero.


Inamin naman ni Ancajas na maging siya ay nagulat nang ma-knockout niya si Gonzales.

Warrior aniya sa ibabaw ng ring ang Mexican boxer pero bilis ang naging sandata niya para madepensahan sa ikaapat na pagkakataon ang kanyang boxing title.

Facebook Comments