Manila, Philippines – Susundin ng Philippine National Police (PNP) ang inaprobahan ng National Police Commission o NAPOLCOM na pagpapagana ng Freedom of Infomation Section sa ilalim ng Public Information Division (PID) ng PNP Directorate for Police-Community Relations (DPCR).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent John Bulalacao dahil kautusan ito ng NAPOLCOM titiyakin nilang lahat ng impormasyon na may kaugnay sa performance ng PNP ay maisasapubliko.
Aniya batay sa Executive Order number 2, ang pambansang pulisya ay nakatuon sa pagsasapubliko ng impormasyon lalo at kung ito ay public interest.
Ngunit may mga limitasyon na nakabatay rin sa constitution at iba pang batas, rules and regulations at procedures.
Lahat aniya ng police reports na hiling ng isang complainants o nagrereklamo sa isang police station ay dadaan sa polisiya ng PNP batay na rin sa inaprobahang freedom of information.