Susunod na administrasyon, kukulangin na sa pondo para sa pandemic response

Posibleng kulangin ang pondo ng susunod na administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga programa nito sa pagtugon sa pandemya.

Ito ang sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman kasunod ng pahayag ni House Majority Leader Martin Romualdez na target ng 19th Congress na magpasa ng stimulus package na tatawaging Bayan Bangon Muli o BBM bill na kapalit naman ng Bayanihan Law.

Ayon kay Lagman, na-disburse na umano ng patapos na administrasyong Duterte ang 90 percent ng pondo ngayong taon.


Paliwanag nito, wala na kasing pwedeng i-realigned sa 2022 national budget.

Kung walang mapagkukunan ng bagong pondo at hindi magagawa ng paraan ng bagong pamahalaang Marcos ay magmimistulang “sloganeering” lang ang BBM ayuda.

Bagama’t mayroon aniyang special-purpose funds, hindi maaaring galawin ang mga ito dahil ito ay sadyang nakalaan gaya sa pasahod, pensyon at calamity fund.

Facebook Comments