Susunod na aksyon kaugnay sa hindi pa rin pagsipot ni Congressman Arnulfo Teves, tatalakayin ng House Committee sa Lunes

Tatalakaying mabuti ng House Committee on Ethics and Privileges sa Lunes, July 31 kung irerekomenda nito na sibakin bilang miyembro ng Kamara si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves.

Sabi ni Committee Chairman at COOP-NATCCO Rep. Felimon Espares, hanggang ngayon ay hindi pa rin sumisipot sa Kamara si Teves na nagdahilan na mayroong banta sa kanyang buhay.

Sa ngayon ay 60 araw na suspendido si Teves na magtatapos sa July 30.


Unang pinatawan ng 60-day suspension si Teves noong March 22 hanggang May 22.

March 9 ng mapaso ang ang travel authority na ibinigay kay Teves para sa kanyang paglabas ng bansa noong Feb. 28.

Facebook Comments