Nakatakdang ianunsyo ngayong weekend ng Malakanyang ang susunod na alert level sa National Capital Region at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ito ay matapos dagdagan ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 kabilang na ang Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi at Sulu.
Paliwanag ni Nograles, gusto kasi nilang ianunsyo ang alert level system malapit sa unang araw ng Pebrero para hindi malito ang publiko sa petsa ng pagpapatupad nito.
Una nang sinabi ng ilang eksperto na maaari nang ibaba sa Alert level 2 ang Metro Manila dahil sa bumababa na ang kaso ng COVID-19 o nasa moderate risk classification na kasi ang NCR.
Facebook Comments