Susunod na batch ng narco-list, sasampahan ng kasong kriminal ng DILG

Matapos na isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang unang batch ng narco-list, inihayag  ng  Department of the Interior and Local Government (DILG)  na dalawampu pang mga lokal na opisyales ang ibubunyag na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kung ang  apatnapuy anim na  pinangalanan ni Duterte ay sinampahan ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman, ang susunod na  batch ay sasampahan na ng kasong kriminal.

Tiwala si Malaya na magiging paborable sa DILG ang magiging desisyon ng Ombudsman sa kanilang isinampang mga kaso.


Tumanggi muna si Malaya na banggitin ang mga posisyon ng mga nasa susunod na narcolist.

Nagpatikim lamang siya na  isa  sa mga ito ay gobernador.

Facebook Comments