Susunod na DepEd Secretary, dapat isang dating public school teacher – TDC

Inaasahan na ng talaga ng grupong Teachers Dignity Coalition (TDC) ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Teachers Dignity Coalition (TDC) Chairperson Benjo Basas, ito ay dahil na rin sa political climate o sitwasyon ng pulitika sa bansa.

Bagama’t inaasahan ay ikinagulat pa rin ni Basas na nangyari ito ngayon.


Sa ngayon, nananawagan ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag nang magtalaga ng pulitiko bilang susunod na kalihim ng DepEd.

Ito ay para aniya hindi na makaladkad ang kagawaran sa mga isyu sa politika.

Dapat din aniyang nagmumula sa academe ang susunod na DepEd Secretary at kung maaari sana ay nagsilbi na rin itong public school teacher para malaman ang araw-araw na hirap ng mga ordinaryong guro sa bansa.

Facebook Comments