Susunod na DepEd secretary, dapat mahusay at may malawak na karanasan bilang guro

Para kay Manila 3rd District Representative Joel Chua, ang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) ay dapat mahusay at may naitalang tagumpay at malawak na karanasan bilang pampublikong guro.

Mungkahi ni Chua sa “search committees” sa Malacañang na naghahanap ng bagong DepEd Secretary, piliin ang isang “real educator” na may kakayahang mamahala at magresolba ng probema sa sektor ng edukasyon.

Sabi ni Chua, pwedeng pagpilian ang mga public school teachers na binigyan ng pagkilala bilang Presidential Lingkod Bayan Award, CSC Dangal ng Bayan Award, Ten Outstanding Filipinos Award, TOYM Award, at Metrobank Outstanding Teacher Award.


Diin ni Chua, sila ay tiyak na nagturo talaga sa DepEd public school, umangat sa ranggo, at dumaan na sa mga pagkilatis ang kanilang kakayahan, integridad, at values.

Binanggit ni Chua ang mga public school teacher na may advance higher education sa mga state universities and colleges o kaya naman ay mga dating public school teacher na naging employers o mga negosyante.

Facebook Comments