Susunod na general manager ng PCSO, pinangalanan na

103

Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay sa katauhan ni Police Colonel Royina Garma – ang kauna-unahang babaeng police chief ng Cebu City.


Kinumpirma ito ng Pangulo sa pagdalo nito sa premiere night ng political action thriller na “Kontradiksyon.”

Papalitan ni Garma si dating military official Alexander Balutan na nagbitiw nitong Marso sa gitna ng alegasyon ng korapsyon.

Higit dalawang dekada nang nasa serbisyo sa Garma.

Facebook Comments

From Advertisers