SUSUNOD NA HAKBANG | Course of action, posibleng ianunsyo ni P-Duterte kaugnay sa panibagong sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait

Manila, Philippines – Posibleng ianunsyo ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang “course of action” o ang susunod na hakbang ng gobyerno kaugnay sa panibagong sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay kasunod ng pagpapauwi ng Kuwaiti Government kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na ikinagulat ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Bello, hindi nila inasahan ang mga hakbang ng Kuwaiti Government dahil naging maganda ang resulta ng meeting nila ni Ambassador Saleh Ahmad Althwaikh sa Davao City, kasama pa si Pangulong Duterte.


Mismong ang ambassador pa ang nagsabing dapat lagdaan na Memorandum of Understanding (MOU) para sa proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Magugunitang ikinagalit ng Kuwaiti Government ang ginawang pag-rescue ng ilang embassy officials sa mga Distressed OFW’s na nasa kanilang bansa dahil paglabag ito sa kanilang soberenya.

Kinumpirma naman ni Bello na pupunta siya sa Kuwait pagkatapos ng Labor Day celebration para personal na makita ang sitwasyon ng mga OFWs doon.

Una naman sinabi ng DFA na hinihingi na nila ang paliwanag ng Kuwait kung bakit pinatawan ng expulsion si Villa.

Facebook Comments