Susunod na hakbang ng pamahalaan sa Arbitral victory ng Pilipinas, nasa kamay na ni Pangulong Duterte – Malacañang

Nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang magiging susunod na hakbang ng pamahalaan matapos iakyat ang 2016 Arbitral Rulong sa United Nations General Assembly.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos purihin ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Duterte sa paggiit sa territorial claims ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinokonsidera ni Pangulong Duterte ang kaniyang sarili bilang chief architect ng foreign policy ng bansa.


Nagpapasalamat sila kay Robredo pero ipinauubaya na nila kay Pangulong Duterte ang mga susunod na pasya.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa UNGA na ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa South China Sea ay bahagi na ng international law at hindi hahayaan ng pamahalaan ang anumang pagtatangkang ibalewala ito.

Sa ilalim ng 2016 ruling, hindi valid ang historic rights ng China sa South China Sea.

Facebook Comments