Susunod Na Hepe Ng Armed Forces Of The Philippines, Pinipili Na

11

MANILA – Pumipili na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng susunod na hepe nito.Sa gitna ito ng nakatakdang pagreretiro ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya sa December 8.Ayon kay AFP Public Information Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo – ang board of generals ang tutukoy sa mga kwalipikadong maging susunod na AFP Chief of Staff kapalit ni Visaya.Pagkatapos nito, gagawa na ng shortlist ang board of generals na isusumite sa Department of National Defense na siya namang pipili ng irerekomenda kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments