Susunod na house speaker, dapat may respeto sa mga kababaihan

Nanawagan si Davao City Representative Paolo Duterte sa mga kapwa mambabatas na pumili ng lider na may mataas na paggalang sa mga kababaihan.

Ito ang pahayag ni ‘Pulong’ matapos pangalanan ni Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano si Wen Velasco, asawa ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na isa sa mga nasa likod ng panukalang term-sharing.

Ayon kay Congressman Duterte – dapat piliin ang lider na may respeto sa kapwa, lalo na sa mga babae.


Aniya, piliin dapat ang lider na ang interes ay hindi pansarili, may paninindigan at tutulong kay Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang tunay at positibong pagbabago sa bansa.

Umapela si Pulong na huwag na siyang idamay sa kontrobersiya sa house speakership.

Matatandaang isa si Cayetano na nagnanais maging house speaker sa 18th Congress.

Facebook Comments