Susunod na negosasyon sa pagitan ng teroristang grupo ang emisaryo ng gobyerno, inaayos na

Manila, Philippines – Umaasa si Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Col. Edgar Arevalo na masusundan pa ang pakikipag-usap ng mga emisaryo ng pamahalaan sa Maute leaders.

Kasunod na rin ito ng pakikipag-usap ng walong Muslim emissaries ng gobyerno sa dalawang lider ng maute na sina abdullah at madi nang ipinatupad ang humanitarian pause.

Prayoridad kasi aniya ng dayalogo na ma-neutralize ang mga terorista at mailigtas ang mga sibilyan na kasalukuyang naiipit sa bakbakan.


Nakipag-ugnayan na rin si arevalo kay Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr. para sa susunod na negosasyon.

Makikipagtulungan din sila sa mga Local Government Units para sa isasagawang negosasyon.

Facebook Comments