Itinakda ng Department of Justice (DoJ) panel sa Mayo 21 ang susunod na imbestigasyon sa pagpatay kay Subic businessman Dominic Sytin, founder at chief executive officer ng United Auctioneers, Incorporated.
Sa isinagawang preliminary investigation kahapon, nagsumite ng kontra-salaysay si self-confessed gunman Edgardo Luib.
Iginigiit naman ng kampo ng respondent na si Dennis Sytin na magsumite ng kanilang rejoinder affidavit at karagdagang mga ebidensiya pero hindi ito pinagbigyan ng DoJ panel.
Inatasan ng DoJ ang magkabilang kampo na magsumite ng kanilang mga pleadings sa susunod na pagdinig.
Ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay magsusumite rin ng reply affidavit sa susunod na hearing.
Una nang nagsampa sa DoJ ng reklamong murder at frustrated murder ang maybahay ni Dominic na si Ann Marietta Sytin, laban sa kanyang bayaw na si Dennis Sytin.
Si Dominic ay binaril at napatay sa harap ng Lighthouse Hotel sa Subic Bay Freeport Zone noong November 28, 2018 at nasugatan naman sa pamamaril ang kanyang bodyguard na si Efren Espartero.