Susunod na pangulo ng Pilipinas, dapat “maaasahan” ayon kay Pangulong Duterte

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang susunod na pangulo ng bansa ay mas maaasahan.

Sa kanyang public address, susuportahan ni Pangulong Duterte maging sino man siya.

Walang problema sa pangulo kung ang papalit ay mas magaling sa kanya.


“Hindi ako nag-aano kung may mataas pa sa akin in performance. If it is true, well, I would encourage them. I would cheer them up and I would be on the sidelines, giving inputs on what I can provide for as advice,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ang tanging hadlang lamang sa bansa para umunlad ay kawalan ng pera.

“We are a third-world country, classified as one. Ang mahirap sa atin is always the constraint of money. Kung may pera lang sana talaga tayo, kung maganda lang ang ating… we could have improved on the governance of all departments, all facets of governance,” sabi ni Pangulong Duterte.

“Ang problema nito wala tayo masyado pera but what we have is enough to what you see now. That is the only thing that money can afford, nakikita ninyo,” ani Pangulong Duterte.

Kung maraming pondo lamang ang bansa, mas makakapantay ang Pilipinas sa iba pang makapangyarihang bansa.

“Kung may pera sana na marami, then we could have upgraded everything to compete or reach in parity with the other first-class countries,” anang pangulo.

“But we have not been able, really, to work on our economy. Maganda sana umaakyat na tayo, not really a cause for celebration, but it could sometimes give us the optimism that we will, and one day, improve on everything,” dagdag pa ng pangulo.

Gayumpaman, tiniyak ni Pangulong Duterte na gagamitin ng maayos ang mga pondo na mayroon ang bansa.

Facebook Comments