Sa tingin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, magiging mahirap ang susunod na tatlong taon para sa ating ekonomiya na makausad.
Sabi ni Drilon, ito ay dahil may budget deficit tayo bunga ng umano’y mismanagement sa pagtugon sa pandemya ng administrasyong Duterte at ni Health Sec. Francisco Duque III.
Ayon kay Drilon, limitado rin ang fiscal space dahil nagbabayad din tayo ng utang na umaabot na sa mahigit 12-trillion pesos.
Bukod dito ay binanggit ni Drilon na kailangan ding ipatupad ng pamahalaan ang mandanas ruling ng supreme court na magbibigay ng karagdagang pondo sa mga Local Government Units.
Facebook Comments